Opisyal ng unyon, itinumba
February 20, 2006 | 12:00am
CAVITE Binaril at napatay ang isang 32-anyos na opisyal ng unyon ng hindi kilalang lalaki sa naganap na karahasan sa Barangay Pasong Camachile 2 sa bayan ng General Trias, Cavite kamakalawa ng gabi.
Napuruhan sa ulo ng bala ng baril ang biktimang si Michael Mendoza, may-asawa, porklift operator ng Yasaki, chief shop steward ng unyong Kristong Manggagawa ng EMI-YAZAKI, INC. at residente ng Block 98 Lot 45, Phase 4 ng MaryCris Complex Subd. ng nabanggit na barangay.
Sa imbestigasyon ni PO3 Orlando Laureles, naitala ang krimen dakong alas-9:15 ng gabi habang nakaupo ang biktima sa bakal na silya sa kanyang kapitbahay.
Isa sa apat na kalalakihan ang lumapit sa biktima at agad na pinutukan ng baril sa ulo habang ang tatlo naman ay nagsilbing lookout.
Nang masigurong patay na ang biktima ay palakad na tumakas ang apat na hindi kilalang kalalakihan na animoy walang nangyaring krimen.
Inaalam ng pulisya kung may kinalaman ang pagiging opisyal ng unyon ng biktima sa naganap na pamamaslang. (Cristina Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest