Sa 5-pahinang desisyon ni Judge Sancho Dames ll ng Daet Regional Trial Court, Branch 38, hinatulan ang akusadong si Fernando Andaya ng Barangay Oliva, Basud, Camarines Norte laban sa isang misis sa Barangay Caayunan, may anim na taon na ang nakalipas.
Pinagbabayad din ng korte ang akusado ng P.1 milyon bilang danyos perwisyo laban sa biktima.
Nabigo ang akusado na maiprisinta sa korte ng mga testigo na magpapatunay na wala siyang kinalaman sa nasabing krimen.
Dahil sa mahinang depensa ay binalewala ng korte ang mga alibi ng akusado, bagkus ay binigyang timbang ang testimonya ng biktima.
Base sa record ng korte, ang biktimang misis ay sapilitang ipinasok sa sariling bahay ng akusado matapos na makiinom ng tubig.
Matapos ang maitim na balak ay agad na nagtungo ang biktima sa himpilan ng pulisya para ireklamo ang akusado ng kasong rape. Hindi naman nagtagal ay nadakip ang akusado hanggang sampahan ng kasong rape.
Awtomatikong isusumite sa Court of Appeals ang desisyon ng mababang korte para masusing rebisahin. (Francis Elevado)