8 estudyante naaktuhan sa pot session sa klasrum
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City Walong kabataang estudyante ang dinakip ng mga tauhan ng pulisya makaraang maaktuhan sa pot session sa loob ng kanilang eskuwelahan sa bayan ng Sto. Domingo, Albay kahapon ng umaga. Ang mga kabataan na pawang menor-de-edad at 4th year student ng Sto. Domingo National High School sa bayang nabanggit. Ayon kay P/Senior Insp. Rolando Esguerra, hepe ng pulisya sa bayan ng Sto. Domingo, ang pagkakadakip sa walong estudyante ay bunsod ng impormasyong natanggap ng pulisya tungkol sa pot session. Dinala ang mga estudyante sa Camp Simeon Ola sa Legazpi City at kasabay na ipinatawag ang mga magulang ng bata. Kasalukuyang inaalam ng pulisya kung sino ang nagpakalat ng droga sa nabanggit na school. (Ed Casulla)