Mag-utol todas sa ambush
February 17, 2006 | 12:00am
BALAOAN, La Union Dalawang magsasaka na kapwa miyembro ng Iglesia Ni Cristo (INC) ang iniulat na pinaslang makaraang ratratin ng mga hindi kilalang lalaki habang ang mga biktima ay patungo sa pang-umagang pananambahan sa Barangay Nalasin sa bayang nabanggit kahapon.
Ang mga biktimang nagtamo ng tama ng bala ng baril sa ibat ibang bahagi ng katawan ay nakilalang sina Cirilo Orine, 66 at Agapito Orine, 64, kapwa residente ng Barangay Calungbuyan sa bayan ng Balaoan, La Union.
Ayon kay P/Insp. Eduardo Sarmiento, deputy chief of police, ang mag-utol ay patungo sana sa simbahan mula sa matarik na bundok nang harangin at ratratin ng dalawang hindi kilalang lalaki ganap na alas-5:10 ng umaga.
Napag-alamang tinangka pang tumakbo ni Cirilo para takasan si kamatayan, subalit sinundan pa ito ng dalawang armadong lalaki hanggang sa duguang bumulagta ang biktima may 35 metro ang layo mula sa kanyang utol na duguang nakabulagta, ayon pa sa ulat ni Sarmiento.
Narekober ng mga rumespondeng pulis at barangay tanod ang walong basyo at 3 slugs ng kalibre 45 baril at 2-basyo ng carbine.
Sa pahayag ng malapit na kamag-anak na si Diosdado Casuga, na walang maisip na naging kaaway ang mag-utol na Orine.
"Kapwa magsasaka ang mag-utol at kilala sa kanilang komunidad na nabubuhay ng malinis," dagdag pa ni Casuga.
Sinisilip ng pulisya, ang anggulong kinainggitan ang mag-utol kaya pinatahimik.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 3 hours ago
By Cristina Timbang | 3 hours ago
By Tony Sandoval | 3 hours ago
Recommended