Sinabi ni Cabuay, na dumanas ng malaking pagkatalo ang Guerilla Front 41 ng Maria Teresa de Leon Command ng NPA sa Bondoc Peninsula makaraang malagasan ng sampung rebelde matapos na makasagupa ang tropa ng pamahalaan sa tri-boundary ng Mulanay, San Narciso at Catanauan,Quezon noong nakaraang linggo.
"Ang Bondoc Peninsula, ang itinuturing na matagal ng teritoryo ng mga rebeldeng komunista, kung kayat dahil sa nararanasan nilang setback, bunga ng sunud-sunod na pag-atake ng mga sundalo ay nagpapasya ang ilan nilang kasapi na magbalik-loob na sa pamahalaan," ani Cabuay.
Sa sampung NPA na napatay sa sagupaan ay isa pa lamang rito ang nakikilalang si Romy Llovit ng Barangay Burgos, Mulanay, Quezon, habang may siyam na rebelde ang sumasailalim ngayon sa tactical interrogation ng militar matapos na sila ay madakma habang tumatakbo papalayo sa battle zones.
Itinanggi naman ni Gregorio "Ka Roger" Rosal, tagapagsalita ng CPP/NPA.
Sinabi ni Ka Roger na isang NPA lamang ang napaslang sa kanilang hanay at ito ay si Ariel Balmaceda ng Barangay Suha, Catanauan, Quezon. (Tony Sandoval)