^

Probinsiya

Shootout: 5 holdaper dedo

-
CAMP CRAME – Napaslang sa shootout ang limang kalalakihan na pinaniniwalaang notoryus na miyembro ng robbery/holdup gang habang isa namang pulis ang nasugatan matapos ang engkuwentro sa pagitan ng magkabilang panig sa General Santos City, kamakalawa.

Batay sa ulat ng Police Regional Office (PRO) 12, kasalukuyan pang inaalam ang pagkakakilanlan ng dalawa sa mga holdaper na kapwa dead-on-the-spot sa shootout.

Tatlo naman sa mga suspek ay nakilalang sina Carmillo Guanco, Mario Fare at Angelo Gamas; pawang dead-on-arrival sa General Santos City District Hospital.

Ang nasugatang pulis ay nakilalang si SPO2 Gonzalo Taladtad, nagtamo ng tama ng bala sa kanang bahagi ng kilay at ideneklarang nasa ligtas na kalagayan.

Nabatid na bandang alas-9 ng gabi nang makasagupa ng magkasanib na elemento ng Regional Intelligence Division ng PRO 12 at Police Precinct 1 ng General Santos City ang grupo ng mga holdaper sa bisinidad ng lungsod matapos ituro ng mga tipster.

Agad nagkaroon ng habulan at mainitang bakbakan sa pagitan ng magkabilang panig.

Narekober sa pinangyarihan ng engkuwentro ang tatlong baril at P40,333.00 cash na bahagi ng ninakaw ng mga suspek sa Dadiangas Distributor System Inc., dalawang cellphones, isang motorsiklo, sari-saring mga dokumento at mga basyo ng bala. (Joy Cantos)

ANGELO GAMAS

CARMILLO GUANCO

DADIANGAS DISTRIBUTOR SYSTEM INC

GENERAL SANTOS CITY

GENERAL SANTOS CITY DISTRICT HOSPITAL

GONZALO TALADTAD

JOY CANTOS

MARIO FARE

POLICE PRECINCT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with