Sa ulat na isinumite kay P/ Chief Inspector Prudencio Legazpi, hepe ng pulisya sa bayang nabanggit, nagsimula ang sunog bandang alas-6 ng umaga sa katabing bahay ng mag-lolo.
Napag-alamang gumapang ang apoy at nasunog din ang mga bahay nina Jose Del Rosario, Resty Ramos, at Ruben Fajardo partikular na ang Inang Belen Restaurant na pag-aari ni James Patag.
Sa inisyal na pagsisiyasat ni SPO4 Formoso Bayani, umaabot sa P2-milyon ari-arian ang tinupok ng apoy sa naganap na sunog.
Nabatid na ang insidente ay naitalang ikalawang sunog na naganap sa Bulacan sa loob lamang ng 36-oras.
Matatandaan na noong Biyernes ng madaling-araw, pito-katao ang kumpirmadong namatay sa sunog sa Lungsod ng San Jose Del Monte matapos na makulong ang mga biktima sa naglalagablab na bahay.
Kabilang sa nasawing biktima ay ang buong miyembro ng pamilya Zilastre na sina Maricel, ina; mga anak na Javier,4; Davis, 3; Ian, 2; Edward, 15; at Benjie, 6 at ang ikaanim na biktima at ang katulong na si Susan.