^

Probinsiya

Mag-lolo nalitson sa sunog

- Ni Boy S. Cruz -
CALUMPIT, Bulacan – Isang 3-taong bata kasama ang kanyang lolo ang nalitson sa naganap na sunog sa kahabaan ng MacArthur Highway na sakop ng Barangay Poblacion sa bayan ng Calumpit, Bulacan kahapon ng umaga. Kinilala ng pulisya ang mga biktimang sina Jose Del Rosario, 71; at ang kanyang apo na si Jessica.

Sa ulat na isinumite kay P/ Chief Inspector Prudencio Legazpi, hepe ng pulisya sa bayang nabanggit, nagsimula ang sunog bandang alas-6 ng umaga sa katabing bahay ng mag-lolo.

Napag-alamang gumapang ang apoy at nasunog din ang mga bahay nina Jose Del Rosario, Resty Ramos, at Ruben Fajardo partikular na ang Inang Belen Restaurant na pag-aari ni James Patag.

Sa inisyal na pagsisiyasat ni SPO4 Formoso Bayani, umaabot sa P2-milyon ari-arian ang tinupok ng apoy sa naganap na sunog.

Nabatid na ang insidente ay naitalang ikalawang sunog na naganap sa Bulacan sa loob lamang ng 36-oras.

Matatandaan na noong Biyernes ng madaling-araw, pito-katao ang kumpirmadong namatay sa sunog sa Lungsod ng San Jose Del Monte matapos na makulong ang mga biktima sa naglalagablab na bahay.

Kabilang sa nasawing biktima ay ang buong miyembro ng pamilya Zilastre na sina Maricel, ina; mga anak na Javier,4; Davis, 3; Ian, 2; Edward, 15; at Benjie, 6 at ang ikaanim na biktima at ang katulong na si Susan.

vuukle comment

BARANGAY POBLACION

BULACAN

CHIEF INSPECTOR PRUDENCIO LEGAZPI

FORMOSO BAYANI

INANG BELEN RESTAURANT

JAMES PATAG

JOSE DEL ROSARIO

RESTY RAMOS

RUBEN FAJARDO

SAN JOSE DEL MONTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with