Anak ng labor leader, itinumba
February 11, 2006 | 12:00am
CAMP CRAME Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang 30-anyos na anak ng labor leader ng mga armadong kalalakihan habang ang biktima ay nagmamaneho ng pampasaherong dyipni sa Toledo City, Cebu kamakalawa.
Napuruhan sa kaliwang bahagi ng noo ang biktimang si Claudio Billones ng Don Andres Soriano ng nabanggit na lungsod
Base sa report, naganap ang insidente dakong alas-2:15 ng hapon habang nagbababa ng pasahero sa unahang bahagi ng jeepney ang biktima.
Kabababa lamang ng pasahero ni Billones nang lapitan at paputukan ng sunud-sunod ng dalawang hindi kilalang lalaki.
Nang marinig ang malalakas na putok ng baril ay agad namang rumesponde ang mga elemento ng pulis-Toledo City, subalit nabigong abutan ang nagsitakas ng mga killer lulan ng isang kulay pulang motorsiklong Yamaha STX.
Nabatid na ang biktima ay anak ni Marcos Billones, lider ng labor union ng Atlas Consolidated Mining and Development Corp.
Ayon sa mga imbestigador ng pulisya, kasalukuyan nilang pinaghahanap ang dalawang tauhan ni Antonio Cuizon, lider naman ng labor union na Panaghi-usa Sa Mamumuo sa Atlas (PAMA) na pinaniniwalaang mahigpit na kaaway ng ama ng biktima.
Lumilitaw pa sa imbestigasyon na hindi miminsang nagbanggaan ang ama ng biktima at ang grupo ni Cuizon bunga ng kanilang sigalot.
Naglunsad na ng hot pursuit operation ang mga awtoridad laban sa dalawang nagsitakas na suspek. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended