Napuruhan sa katawan ng tama ng bala ng baril ang biktimang si Corporal Jeoffrey Fumukao, na nakabase sa Barangay Camacho Balanga City.
Sa sketchy report na nakarating sa Camp Tolentino sa Balanga City, dakong alas-5:00 ng hapon habang nagsasagawa ng dialogue sa mga residente ang apat na miyembro ng Phil. Army kabilang ang biktima ay biglang sumulpot ang mga rebelde sa pamumuno na nakilalang alyas Ka Abner.
Dahil sa takot na madamay ay nagpulasan ang mga residente hanggang sa magpalitan ng putok ang magkalabang panig na tumagal ng 10-minuto kung saan unang tinamaan ang biktima sa ibat ibang parte ng katawan na ikinamatay nito.
Mabilis na tumakas ang mga rebelde sa makahoy at bulubunduking bahagi ng Barangay Nagbalayong matapos ang bakbakan.
Isang manhunt pursuit operation ang isinasagawa ngayon ng pinagsanib na puwersa ng Provincial Intelligence and Investigation Branch at mga tauhan ng 24th Infantry Battalion laban sa mga rebeldeng New Peoples Army. (Jonie Capalaran)