^

Probinsiya

Mag-asawang trader itinumba

-
CAMP CRAME — Magkasamang sinalubong ni kamatayan ang mag-asawang negosyante, habang milagrong nakaligtas naman ang kanilang anak na lalaki makaraang ratratin ng nag-iisang lalaki ang mga biktima sa bahagi ng Dalaguete, Cebu kamakalawa.

Kinilala ang mga biktimang nasawi na sina Danilo Cartedario, 39 at asawang Apolonia, 46, na apat na buwang buntis.

Nakaligtas naman ang anak na si Michael na siyang nagturo sa suspek na si Tomas Vargas na itinuturing na matinding kaaway ng pamilya Cartedario.

Sa testimonya ni Michael sa himpilan ng pulisya, si Vargas mismo ang rumatrat gamit ang Ingram submachine gun sa kaniyang mga magulang sa naganap na karahasan sa Sitio Lapa sa Barangay Mantalongon, Dalaguete dakong alas-9 ng umaga.

Napag-alamang bago maganap ang pamamaslang ay magkakaangkas sa motorsiklo ang tatlong biktima nang mapahinto matapos na mamataang may nakaharang na mga bato na nakatali sa magkabilang daan sa punong kahoy sa gitna ng kalsada ang kanilang daraanan.

Sinabi pa ni Michael, na inihinto niya ang motorsiklo upang tanggalin ang nakaharang na mga bato na nakatali ng lubid, kung saan ay nagsibaba rin sa motorsiklo ang kaniyang mga magulang upang magmasid sa kapaligiran.

Biglang sumulpot mula sa pinagtataguang masukal na bahagi ng highway ang suspek at agad na pinagbabaril ang mag-asawa na bagama’t nagawang makatakbo ay hinabol pa saka muling pinagbabaril hanggang sa kapwa duguang bumulagta.

Nagawa namang makasakay ng motorsiklo at makatakas ni Michael kung saan pinuntirya rin siya ng pamamaril ni Vargas, subalit sumablay ang mga bala.

Lumilitaw pa sa imbestigasyon na ang ama ni Michael ay pangunahing saksi sa tangkang pagpatay na kinasasangkutan ng suspek na pinaniniwalaang isa sa motibo ng krimen. (Joy Cantos)

vuukle comment

APOLONIA

BARANGAY MANTALONGON

BIGLANG

DALAGUETE

DANILO CARTEDARIO

JOY CANTOS

SITIO LAPA

TOMAS VARGAS

VARGAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with