Misis tinaga ng mister, grabe

LEGAZPI CITY – Nalalagay ngayon sa bingit ng kamatayan ang isang 30-anyos na misis makaraang pagtatagain ng sariling mister dahil sa matinding selos kahapon ng umaga sa Barangay Jamorawon sa bayan ng Milagros, Masbate.

Kasalukuyang nakikipaglaban kay kamatayan sa Milagros District Hospital ang bikitmang si Jean Trabado, samantala, agad namang nadakip ang suspek na si Jessie Trabado, 28, magsasaka at kapwa naninirahan sa nasabing barangay. Sa imbestigasyon ng pulisya, lumitaw na nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang mag-asawa tungkol sa kumalat na balitang may nanliligaw sa babae. Itinanggi naman ng misis ang malisyosong balita hanggang sa maganap ang insidente. (Ed Casulla)

Show comments