Tinedyer dedo sa rambol

CAVITE – Isa na namang 17-anyos na tinedyer ang kumpirmadong nasawi, habang dalawang iba pa ang nasugatan makaraang magrambulan ang dalawang grupo ng kabataan sa bahagi ng Barangay Sta. Cruz 1, Dasmariñas, Cavite kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ng pulisya ang biktimang nasawi na si Antonio Mendoza Jr., 17, ng Atlas compound sa Barangay H2, ginagamot naman sa ospital ang mga sugatang sina Avezo Rayso, 20, ng Blk 10 Lot 9, Barangay Burol 2 at Jonald Magtaal, 17, ng Eco Lot ng nabanggit na barangay. Ayon kay SPO2 Lorenzo Balbuena, naganap ang rambol ganap na ala-1:50 ng madaling-araw sa harap ng Sta. Cruz Elementary School matapos na harangin ng mga hindi kilalang kabataan ang tatlong biktimang naglalakad. (Cristina Timbang)

Show comments