5-katao tinangay ng malakas na agos
February 5, 2006 | 12:00am
CAMP CRAME Limang katao ang nasawi habang isa pa ang nawawala matapos na tangayin ng malakas na agos ng tubig sanhi ng matinding pagbuhos ng ulan kamakalawa sa Iligan, Isabela.
Nakilala ang mga namatay na sina Rogelio Castro ng Cauayan City, Ronald Serrano ng San Mariano, Isabela; William Dulay ng Brgy. Guinatan, Melanie Agamata ng Brgy. Rugao at isang hindi pa nakikilala.
Patuloy namang pinaghahanap ng awtoridad ang isang pang biktima.
Ayon sa ulat, narekober ang mga bangkay ng mga biktima sa Brgy. Rugao.
Nabatid na 75 na barangay pa sa Ilagan ang nananatiling lubog sa tubig baha habang 35 na kabahayan ang nasira.
Tinatayang aabot sa P120 milyong halaga ng agrikultura at imprastraktura ang nasira dahil sa matinding pagbaha. (Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest