3 estudyante niratrat, dedo
February 5, 2006 | 12:00am
CAMP OLIVAS, Pampanga Naging mitsa ng buhay ng tatlong estudyante ang kanilang cellphone makaraang pagbabarilin sila ng di-kilalang lalaki kamakalawa sa Brgy. San Francisco, sa Mabalacat.
Kinilala ng pulisya ang mga nasawing biktima na sina Jan Nikols, Michael Manalo at Russel Julian, pawang nakatira sa Don Carmelo Subdivision, Brgy. Dau.
Kasalukuyan namang ginagamot sa Rafael Medical Hospital ang isa sa mga kasamahan ng mga nasawi na nakilalang si Marvin Canasa, matapos na masugatan sa pamamaril.
Batay sa report, dakong alas-3 ng hapon nang mag-inuman ang mga biktima sa isang bakanteng lote sa nasabing lugar at ilang minuto lamang ay nakitang naglalakad sila patungo sa bahay ng isa sa mga biktima sa Strawberry St., Sitio Aguso, nasabing barangay.
Habang nasa daan ang mga biktima ay nagkantiyawan pa umano ang mga ito nang bigla makasalubong nila ang apat na armadong kalalakihan na may dalang kalibre .45 baril at .9mm pistola.
Napansin umano ng mga suspek ang hawak na cellphone ng mga biktima at gustong pag-interesan kaya pumalag ang mga estudyante.
Dahil dito, pinaputukan ng mga suspek ang mga biktima at idineklarang dead-on-the-spot sina Nikols at Manalo habang si Julian ay binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa Tiglao Memorial Hospital bunga ng tinamong tama ng punglo sa katawan.
Kasalukuyang pinaghahanap ng pulisya ang apat na suspek habang masusing iniimbestigahan ang naturang insidente. (Resty Salvador)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended