Pamilya, 6 minasaker
February 4, 2006 | 12:00am
Anim-katao ang kumpirmadong nasawi kabilang ang isang 9-buwang sanggol na babae habang anim iba pa ang malubhang nasugatan makaraang ratratin ng mga armadong kalalakihan ang isang komunidad ng mga Kristiyano sa Barangay Liang sa bayan ng Patikul, Sulu kahapon ng madaling-araw.
Sa pahayag ni P/Senior Supt. Ahiron Ajirin, provin-cial director, naitala ang insidente dakong alauna y medya ng madaling-araw matapos na sumalakay ng mga armadong kalalakihan sa nasabing komuni- dad, may 500 metro lamang ang layo mula sa Phil. Army detachment kung saan nagbabahay ang advance team ng US forces na kalahok sa RP-US Balikatan sa Sulu.
Lima sa anim na pinaslang na mga biktima ay nakilalang sina Melanie Patinga, 9-buwang sanggol; Itting Fontanilla, 45; Emma Kasipong, 16; Sulma Patinga, at Pedro Kasipong, 60.
Ginagamot naman sa Sulu Provincial Hospital ang mga sugatang sina Jayson Patinga, 3-anyos; Nardo Patinga, 30; Jennifer Fontanilla, 19; at Lukring Kasipong, 50
Sa salaysay ng isang nakaligtas na dalagita na anak ng nasawing ginang na may hawak na sanggol, bago ang pamamaril ng mga armadong kalalakihan sa tatlong kabahayan ay kinatok muna sila ng mga suspek.
Napag-alamang tinatanong ng mga suspek ang mga nakatira sa tatlong bahay kung mga Kristiyano o Muslim ang mga ito. Sumagot naman ang ilang biktima na pawang Bisaya sila (Cebuana). Hanggang sa magsimulang ratratin ang tatlong bahay na tumagal ng dalawang minuto.
Matapos maghasik ng karahasan ng mga suspek ay mabilis na nagsitakas patungo sa direksyon ng Barangay Gandasuli sa bayan ng Patikul.
Inamin naman ng mga awtoridad na nahihiwa- gaan sila sa motibo ng krimen na may kaugnayan sa matinding alitan ng magkalabang angkan.
"Kung ang pag-atake ay may kaugnayan sa clan war ay hindi na tatanungin ang mga biktima kung mga Kristiyano sila," pahayag ni Brig. Gen. Alexander Aleo, hepe ng anti-terror Task Force Comet. (Joy Cantos at Roel Pareño)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended