^

Probinsiya

2 rapists hinatulan ng bitay

-
LABO, Camarines Norte – Hinatulan ng bitay ang dalawang akusadong mister makaraang mapatunayang guilty sa kasong rape sa magkahiwalay na bayan ng Camarines Norte may ilang taon na ang nakalipas.

Sa 12-pahinang desisyon ni Executive Presiding Judge Franco Falcon ng Labo Regional Trial Court, Branch 64, magkasunod na hinatulan ng kamatayan sina Remeias "Meyong" Begino, 49; at Salvador Barra, 46.

Base sa record ng korte, napatunayang si Begino, ang humalay sa sariling 8-anyos na anak-anakan noong August 2, 1994 sa Sitio Calabacang Munti, Barangay Mabini sa bayan ng Capalonga, Camarines Norte.

Bukod sa hatol na bitay ay pinagbabayad ng korte ang akusadong si Begino ng P180,000 sa biktima bilang danyos perwisyo.

Samantala, si Barra ay napatuyang gumahasa sa kanyang 15-anyos na anak-anakang babae noong May 14, 1997 sa koprahang sakop ng Purok 4, Barangay San Lorenzo Ruiz sa bayan ng Sta Elena, Camarines Norte.

Muling naulit ang panghahalay sa biktima noong Nobyembre 1997, Enero 1998 at Pebrero 1998, kaya 5 counts ng rape ang ipinataw na may katumbas na bitay.

Pinagbabayad ng korte ang akusadong si Barra ng P870,000 bilang danyos sa biktima.

Awtomatiko naman isusumite sa Court of Appeals ang desisyon ng mababang korte para rebisahin. (Francis Elevado)

vuukle comment

BARANGAY MABINI

BARANGAY SAN LORENZO RUIZ

BEGINO

CAMARINES NORTE

COURT OF APPEALS

EXECUTIVE PRESIDING JUDGE FRANCO FALCON

FRANCIS ELEVADO

LABO REGIONAL TRIAL COURT

SALVADOR BARRA

SITIO CALABACANG MUNTI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with