^

Probinsiya

Bangkay ng dalaga, isinako

-
SANTIAGO CITY, Isabela – Isang bangkay ng 21-anyos na dalaga ang isinako matapos paslangin ng hindi kilalang lalaki bago itinapon sa irigasyon na sakop ng Barangay Baluarte sa nabanggit na lungsod, kamakalawa. Wasak ang mukha nang matagpuan ang bangkay ni Ronaly Bisares ng nabanggit na barangay. Ayon sa pulisya, huling namataang buhay ang biktima noong Biyernes habang papalabas ng kanilang bahay patungo sa pinapasukang kompanya. May posibilidad na hinarang ang sinasakyang traysikel ng biktima ng mga hindi kilalang kalalakihan na pawang lango sa bawal na gamot at isinagawa ang krimen. (Victor Martin)
Ambush: Kawani ng LGU patay
LEGAZPI CITY
– Tinambangan at napatay ang isang 44-anyos na kawani ng lokal na pamahalaan ng hindi kilalang lalaki, habang ang biktima ay naglalakad mag-isa sa kahabaan ng kalsadang sakop ng Barangay Ginablan sa bayan ng Pilar, Sorsogon kamakalawa ng gabi. Napuruhan sa katawan ng bala ng baril ang biktimang si Sonney Mirabueno, may asawa at residente ng naturang barangay. Batay sa ulat na isinumite kay P/Senior Supt. Joel Regondola, provincial director, ang biktima ay nakipaglamay sa burol ng isang kaibigan bago naganap ang pamamaslang. Wala pang malinaw na motibo ang maaaring iugnay ng pulisya sa naganap na krimen. (Ed Casulla)
2 hatol na bitay sa rapist
Hinatulan ng dalawang ulit na kamatayan ang akusadong si Aniceto Balagao matapos na mapatunayang humalay ng may ilang beses sa 14-anyos na kinakapatid na babae sa Barangay Lolomboy sa bayan ng Bocaue, Bulacan. Bukod sa dalawang hatol na bitay ay pinagbabayad pa ni Judge Andres Soriano ng Malolos City Regional Trial Court Branch 13, ang akusado ng P.1 milyon sa biktima bilang danyos perwisyo. (Boy S. Cruz)

ANICETO BALAGAO

BARANGAY BALUARTE

BARANGAY GINABLAN

BARANGAY LOLOMBOY

BOY S

ED CASULLA

JOEL REGONDOLA

JUDGE ANDRES SORIANO

MALOLOS CITY REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with