Kinilala ni P/Senior Supt. Rueben Theodore Sindac, chief of police sa Lucena City, ang suspek na si Gloria Atienza ng Caloocan City.
Bandang ala-una ng hapon ng madakip ang suspek matapos na tumawag sa himpilan ng pulisya ang pamunuan ng DFA upang humingi ng assistance kaugnay ng kahina-hinalang record ni Atienza na nakatala sa naturang tanggapan.
Sa isinagawang beripikasyon ng DFA ay nadiskubre na ang suspek ay gumagamit ng pangalang Marlyn Ligaya habang nag-aaply ng pasaporte.
Natuklasan din na gumagamit ng ibat ibang ID ang suspek na may mga pangalang Bernadette Santos at Gloria Atienza na may nakabinbing mga kasong estafa at illegal recruitment kung saan nasa talaan ng hold-departure order sa Bureau of Immigration.
Bukod dito, natuklasan din ng pulisya na ang suspek ay nakatala bilang ika-3 sa 10-most wanted person ng Pasay City at pugante sa BJMP ng Pasay City noong 2002.
May nakabinbin pa rin itong warrant of arrest sa kasong illegal recruitment sa sala ni Hon. Judge Rafael Lagos ng Lucena City Regional Trial Court, Branch 57 at walang inirekomendang piyansa.
Ang naturang akusado ay itinurn-over na sa Pasay City PNP. (Tony Sandoval)