^

Probinsiya

Puganteng recruiter nasakote

-
LUCENA CITY — Kalaboso ang kinahantungan ng isang 42-anyos na babae na pinaniniwalaang illegal recruiter at namemeke ng pasaporte makaraang masakote ang una sa sangay ng opisina ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Metro Pacific Mall sa nabanggit na lungsod, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni P/Senior Supt. Rueben Theodore Sindac, chief of police sa Lucena City, ang suspek na si Gloria Atienza ng Caloocan City.

Bandang ala-una ng hapon ng madakip ang suspek matapos na tumawag sa himpilan ng pulisya ang pamunuan ng DFA upang humingi ng assistance kaugnay ng kahina-hinalang record ni Atienza na nakatala sa naturang tanggapan.

Sa isinagawang beripikasyon ng DFA ay nadiskubre na ang suspek ay gumagamit ng pangalang Marlyn Ligaya habang nag-aaply ng pasaporte.

Natuklasan din na gumagamit ng iba’t ibang ID ang suspek na may mga pangalang Bernadette Santos at Gloria Atienza na may nakabinbing mga kasong estafa at illegal recruitment kung saan nasa talaan ng hold-departure order sa Bureau of Immigration.

Bukod dito, natuklasan din ng pulisya na ang suspek ay nakatala bilang ika-3 sa 10-most wanted person ng Pasay City at pugante sa BJMP ng Pasay City noong 2002.

May nakabinbin pa rin itong warrant of arrest sa kasong illegal recruitment sa sala ni Hon. Judge Rafael Lagos ng Lucena City Regional Trial Court, Branch 57 at walang inirekomendang piyansa.

Ang naturang akusado ay itinurn-over na sa Pasay City PNP. (Tony Sandoval)

vuukle comment

BERNADETTE SANTOS

BUREAU OF IMMIGRATION

CALOOCAN CITY

CITY

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

GLORIA ATIENZA

JUDGE RAFAEL LAGOS

LUCENA CITY

LUCENA CITY REGIONAL TRIAL COURT

PASAY CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with