Hindi na umabot ng buhay sa Orani District Hospital ang mga biktimang sina Jerome Bangcula, 7 at Africa Sunglao, 65, kapwa nakatira sa Barangay A. Rivera sa bayang nabanggit.
Ayon sa barangay chairman ng Barangay Cataning, naitala ang insidente dakong alas-7:45 ng umaga habang naglalakad ang maglola patungo sa isang bahay ng kanilang kamag-anak sa Barangay Pulo.
Pagsapit sa nasabing barangay ay nadulas ang bata sa pilapil na nilalakaran at nahawakan nito ang kawayang poste ng kuryente na bumagsak sa kanilang daraanan na ikinasawi ng mga biktima.
Subalit kakaiba ang ulat ni SPO4 Nicanor Leva, Hermosa, na matagal ng nakabuwal ang naturang poste, kayat sinisisi ng mga pulis ang mga opisyal ng Barangay Cataning kung bakit hindi nila agad ipinaayos ang nabuwal na poste na may linya ng kuryente, kayat noong madapa ang bata ay nahawakan ang talop na linya hanggang sa mangisay.
Sinaklolohan naman ng lola ang kanyang apo, subalit maging ang matanda ay nakuryente. (Jonie Capalaran)