^

Probinsiya

10 niratrat sa bilyaran, patay

-
CAMP CRAME – Malaki ang posibilidad na bengahan ng magkalabang angkan ang ikinasawi ng sampung sibilyan makaraang ratratin ang mga biktima habang nagbibilyar sa bahagi ng Crossing Lalabuan sa bayan ng Balabagan, Lanao del Sur, ayon sa ulat kahapon.

Ayon kay P/Senior Supt. Akmad Mamalinta, PNP director ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM), naganap ang karahasan dakong alas-4 ng hapon habang nagbibilyar ang mga biktima sa nabanggit na bayan.

Kabilang sa napaslang na biktima ay sina Abu Aser, Abi Mario Hussin, Ismael Malik, Maryang Sanyong, Balawi Banyong, samantalang bineberipika pa ang pagkikilanlan ng limang sibilyan.

Napag-alamang siniguro ng mga killer na walang buhay ang mga biktimang pinuntirya saka mabilis na nagsitakas lulan ng isang kulay puting Toyota Tamaraw FX patungo sa direksiyon ng Barangay Liangan sa bayan ng Sultan Gumander, Lanao del Sur.

Isinugod naman sa Cotabato Regional and Medical Center ang lima pang nasugatang mga biktima na tinamaan ng ligaw na bala ng malalakas na kalibre ng baril, ayon pa sa ulat.

May teorya si Mamalinta, na matinding banggaan ng magkalabang angkan na may kinalaman sa pagkakapaslang sa anak ng kabilang angkan ang pangunahin motibo ng krimen.

Nagsasagawa na ng follow-up operations ang mga elemento ng 1505th Police Mobile Group (PMG) at Balabagan Municipal Police Station (MPS) laban sa mga suspek na positibo namang nakilala ng mga saksi. (Joy Cantos)

ABI MARIO HUSSIN

ABU ASER

AKMAD MAMALINTA

AUTONOMOUS REGION

BALABAGAN MUNICIPAL POLICE STATION

BALAWI BANYONG

BARANGAY LIANGAN

COTABATO REGIONAL AND MEDICAL CENTER

CROSSING LALABUAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with