Pamilya, 3 minasaker
January 30, 2006 | 12:00am
BUTUAN CITY Malagim na kamatayan ang sinapit ng tatlong miyembro ng pamilyang magsasaka makaraang bistayin ng bala ng baril ay sinunog pa ng mga armadong kalalakihan sa liblib na bahagi ng Purok 13, Sitio Bagong Silang, Barangay San Mateo, Butuan City kamakalawa ng gabi.
Hindi pa nakontento ang mga armadong kalalakihan sa ginawang pamamaril sa mga biktima ay sinunog pa ang bahay ng pamilya saka inilagay ang tatlong bangkay sa nagliliyab na kabahayan.
Kabilang sa pinaslang na mga biktimang may apelyidong Pamat ay sina Mateo, 57; Ester, 52 at Glenn 30, samantalang nawawala naman ang siyam na taong gulang na batang babae na si Irene Grace.
Nakaligtas naman sa tiyak na kamatayan ang isa sa pamilya Pamat na si Joel, 30, matapos na makapagtago habang niraratrat ang kanyang kasambahay.
Sa salaysay ni Joel sa mga awtoridad, dumating ang mga armadong kalalakihan sa harap ng kanilang bahay at pinalalabas lahat ang lalaki habang nagpapatutok ng baril sa ere.
Dahil sa takot ng kanyang amat ina at kapatid na lalaki ay napilitang lumabas, subalit sinalubong sila ng sunud-sunod na putok ng baril na ikinasawi ng mga biktima habang nakatiyempo naman makapagtago si Joel.
Nasaksihan ni Joel ang sinapit ng kanyang buong pamilya habang nakatago sa bahagi ng nabanggit na lugar.
Matapos ang insidente ay agad na humingi ng saklolo si Joel sa kanyang kaibigang si Roger Tabamo na sinamahan naman siya sa detachment ng militar
Pinaniniwalaang matinding alitan sa apat na ektaryang lupaing sinasaka ng pamilya Pamat na pinag-iinitang makuha ng kalabangangkang magsasaka sa nabanggit na barangay, ang isa sa motibo ng krimen.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest