2 tulak arestado sa 30 kilong marijuana
January 29, 2006 | 12:00am
BIÑAN, Laguna Tatlumpung kilo ng marijuana ang nakumpiska sa dalawang pinaghihinalaang tulak ng ipinagbabawal na gamot ng pinagsanib na puwersa ng Special Enforcement Service (SES) at Calabarzon Police ng Philippine Drugs and Enforcement Agency (PDEA) sa buy-bust operation na isinagawa sa St. Rose Village 3, Barangay San Antonio, bayang ito kahapon ng hapon.
Kinilala ni Regional Officer Senior Supt. Abe Lemos ang mga suspek na sina Emelita Rivero, alyas Milet, 38, may asawa, at driver nitong si Alfredo Abargar, alyas Pidot, 26, kapwa residente ng Barangay Wawa, ng naturang bayan.
Naaresto ng grupo ni Senior Inspector Pedro Abrigo ng SES, tumatayong team leader ang mga suspek sa plinanong buy-bust operation bandang ala-1:30 ng hapon sa nabanggit na lugar.
Ayon kay Abrigo, ang nakumpiskang marijuana na naka-pack nang pangbenta ay nagkakahalaga ng P75,000. kung ibebenta sa merkado.
Dinala naman ng mga awtoridad ang dalawang suspek sa main office ng PDEA sa Quezon City upang sampahan ng kaukulang kaso. (Arnell Ozaeta)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended