Sinibak na police capt. timbog sa droga
January 29, 2006 | 12:00am
BULACAN Isang dating police captain na sinibak dahil sa umanoy pagnanakaw ng isang kilo ng shabu at naging hepe ng Bulacan PNP Crime Laboratory ang nadakip sa isang buy-bust operation ng pulisya sa Brgy. Sto. Rosario, sa Malolos City.
Sa ulat na ipinalabas ni P/Supt. Pedro Ramos, hepe ng Bulacan Provincial Drug Enforcement Group, ang nadakip na suspek ay nakilalang si dating P/Sr. Insp. Samuel Estrope alyas Sammy, nasa hustong gulang at nakatira sa Brgy. San Juan, nasabing lungsod.
Ayon sa ulat, pasado alas-4 ng madaling-araw nang madakip ang dating opisyal habang nasa aktong tinatanggap nito ang marked money sa isang police asset na nagpanggap na buyer ng mga ibinenta niyang shabu.
Nabatid pa sa rekord ng pulisya na si Estrope ay sinibak sa serbisyo mahigit apat na taon na ang nakararaan matapos na mawala sa pag-iingat nito ang may isang kilo ng shabu na ebidensiya sa isang kaso habang siya ang hepe ng nasabing tanggapan.
Narekober kay Estrope ang may pitong gramo ng shabu na may halagang P10,000, mga PNP IDs at badge, at isang Mitsubishi Lancer.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest