Batay sa ulat ng Provincial Regional Disaster Coordinating Council (PDCC), nagsilikas na sa kani-kanilang mga tahanan matapos lumubog sa baha ang ibat ibang bayan sa lalawigan ng Cagayan at Isabela sanhi ng patuloy na pagbuhos ng ulan sa lugar.
Ang mga nawawalang biktima na di natukoy ang mga pangalan ay mula sa Cauyan City at San Ramon, Isabela.
Ayon kay Gen. Jefferson Soriano, Police Regional Director at Chairman ng RDCC ng Cagayan Valley, umaabot na sa 30 mga bayan na karamihan ay dinadaluyan ng Magat River at Cagayan River ay tuluyan nang lumubog sa baha na ikinasira naman ng mga pananim at iba pang pangkabuhayan ng mga residente rito.
Samantalang sanhi naman ng pag-apaw ng tubig baha ay na-stranded ang mga biyahero sa mga bayan ng San Pablo, Santa Maria, Santo Thomas, Quezon at Cabagan Isabela dahil sa hindi na puwedeng madaanan ang mga pangunahing kalsada na nilunod ng tubig baha.
Samantala tinataya namang P50-M halaga ng mga pananim at ari-arian sa lalawigan ng Nueva Ecija sanhi ng mga pagbaha na dulot ng malalakas na pag-ulan.
Kabilang sa mga apektado ng mga pagbaha ay ang mga lungsod ng Cabanatuan at Gapan; mga bayan ng Gen. Natividad, Gen. Tinio, Peñaranda, Talavera, Bongabon, Laur, Gabaldon, San Isidro, Cabiao, Jaen, San Leonardo, Licab at Quezon. (Victor Martin at Christian Ryan Sta. Ana)