^

Probinsiya

2 nawawala sa flashflood; 30,000 katao inilikas

-
Dalawa katao ang iniulat na nawawala samantalang aabot naman sa 30 libong katao ang inilikas matapos salantain ng mga pagbaha ang ilang lalawigan sa Luzon, ayon sa ulat kahapon.

Batay sa ulat ng Provincial Regional Disaster Coordinating Council (PDCC), nagsilikas na sa kani-kanilang mga tahanan matapos lumubog sa baha ang iba’t ibang bayan sa lalawigan ng Cagayan at Isabela sanhi ng patuloy na pagbuhos ng ulan sa lugar.

Ang mga nawawalang biktima na di natukoy ang mga pangalan ay mula sa Cauyan City at San Ramon, Isabela.

Ayon kay Gen. Jefferson Soriano, Police Regional Director at Chairman ng RDCC ng Cagayan Valley, umaabot na sa 30 mga bayan na karamihan ay dinadaluyan ng Magat River at Cagayan River ay tuluyan nang lumubog sa baha na ikinasira naman ng mga pananim at iba pang pangkabuhayan ng mga residente rito.

Samantalang sanhi naman ng pag-apaw ng tubig baha ay na-stranded ang mga biyahero sa mga bayan ng San Pablo, Santa Maria, Santo Thomas, Quezon at Cabagan Isabela dahil sa hindi na puwedeng madaanan ang mga pangunahing kalsada na nilunod ng tubig baha.

Samantala tinataya namang P50-M halaga ng mga pananim at ari-arian sa lalawigan ng Nueva Ecija sanhi ng mga pagbaha na dulot ng malalakas na pag-ulan.

Kabilang sa mga apektado ng mga pagbaha ay ang mga lungsod ng Cabanatuan at Gapan; mga bayan ng Gen. Natividad, Gen. Tinio, Peñaranda, Talavera, Bongabon, Laur, Gabaldon, San Isidro, Cabiao, Jaen, San Leonardo, Licab at Quezon. (Victor Martin at Christian Ryan Sta. Ana)

CABAGAN ISABELA

CAGAYAN RIVER

CAGAYAN VALLEY

CAUYAN CITY

CHRISTIAN RYAN STA

ISABELA

JEFFERSON SORIANO

MAGAT RIVER

NUEVA ECIJA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with