^

Probinsiya

Pamilya grabe sa sunog

-
CAMP CRAME – Nalapnos ang katawan ng limang miyembro ng isang pamilya kabilang ang isang 3-buwang sanggol na lalaki makaraang aksidenteng masunog ang kanilang tahanan sa Kabankalan City, Negros Occidental, kamakalawa.

Kasalukuyang inoobserbahan sa Burn Room ng Corazon Locsin Montelibano Memorial Regional Hospital sa Bacolod City ang mga biktima na sina Alejandro Tamuling Sr., 35 anyos; asawa nitong si Wilma, 24; anak na babaeng si Welyn ,13 at dalawang lalaki na sina Alejandro Jr., 4 at John Ray, 3-buwang sanggol.

Si Alejandro ay nagtamo ng grabeng sunog sa kanyang mukha, leeg at sa pribadong bahagi ng katawan.

Ang ginang ay nagtamo ng sunog sa paa; ang anak niyang si Welyn ay sa paa at kamay; si Alejandro Jr. at si John Ray ay nasunog naman ang kaliwang paa.

Batay sa ulat, bandang alas-4 ng madaling-araw nang masunog ang tahanan ng mag-asawa na matatagpuan sa Sitio Tabugon, Bantayan, Kabankalan City.

Sa inisyal na imbestigasyon, nabatid na maagang ginising ng ginang ang inaantok pa nitong anak na dalagita na magluto ng sinaing.

Gayunman sa sobrang kaantukan ni Welyn ay naiwan nito ang kerosene lamp sa tabi ng isang galon ng gas na aksidente namang nagliyab hanggang sa tuluyang kumalat ang apoy at masunog ang kanilang buong kabahayan. (Joy Cantos)

vuukle comment

ALEJANDRO JR.

ALEJANDRO TAMULING SR.

BACOLOD CITY

BURN ROOM

CORAZON LOCSIN MONTELIBANO MEMORIAL REGIONAL HOSPITAL

JOHN RAY

JOY CANTOS

KABANKALAN CITY

NEGROS OCCIDENTAL

WELYN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with