2 financier ng pasugalan itinumba
January 25, 2006 | 12:00am
KAMPO SIMEON OLA, Legazpi City Dalawang kalalakihan na pinaniniwalaang financier ng pasugalan sa kanilang bayan ang kumpirmadong pinaslang matapos na pagbabarilin ng mga hindi kilalang lalaki sa Barangay Rawis sa bayan ng Virac, Catanduanes kamakalawa ng gabi.
Kinilala ng pulisya ang mga biktimang nasawi na sina Mario Olino, 44, ng Barangay Rawis at Edgar Tumagan, 42, ng Barangay San Roque ng naturang bayan.
Sa ulat na isinumite kay P/Supt. Francisco Penaflor, provincial director, naitala ang krimen dakong alas-9:15 ng gabi habang ang dalawa ay papalabas ng kanilang tinutuluyang apartment sa nabanggit na barangay.
Bago maganap ang krimen, ang dalawa ay namataang nakikipag-inuman ng alak sa ilang kalalakihan sa labas ng kanilang apartment kung saan nagkayayaan na ipagpatuloy sa kalapit na beerhouse.
Napag-alamang naunang magtungo sa beerhouse ang ilang kaibigan ng dalawa habang inaayos naman ng mga biktima ang kanilang pinag-inuman ng alak.
Papunta na sana ang dalawa sa beerhosue nang pagbabarilin sila ng mga hindi kilalang kalalakihan na agad tumakas patungo sa direksyon ng Imelda Boulevard.
Kasalukuyang nangangalap ng impormasyon ang pulisya para maresolba ang krimen na pinaniniwalaang may kaugnayan sa pagpapatakbo ng pasugalan ng dalawang biktima. (Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest