Kumpirmadong nasawi si Captain Aniano Amatong, habang nakaligtas naman sa tiyak na kamatayan si Captain James Acosta, ayon kay PAF Spokesman Lt. Col. Restituto Padilla.
Sinabi ni Padilla na nagbuwis ng buhay si Amatong, kaya di ito nakapag-eject mula sa bumagsak na OV-10 bomber plane matapos na iwasan ang mga kabahayan sa nasabing barangay para di na madamay pa ang mga sibilyan sa insidente kaya pinabagsak na lamang sa palaisdaan.
Base sa ulat, ang OV-10 ay umalis sa Danilo Atienza Airfield sa Sangley Point, Cavite dakong alas-8:46 ng umaga at patungo sana sa Clark Field, Pampanga para sa military exercises nang biglang bumulusok hanggang sa bumagsak sa isang palaisdaan ganap na alas-9 ng umaga.
Nabatid na ang OV-10 ay nagsisilbing pangunahing fighter plane ng PAF na ginagamit sa pagbabagsak ng bomba sa mga rebeldeng grupo sa Mindanao matapos igarahe ang kanilang sampung lumang F-5 fighter jets noong Oktubre 2005. (Butch Quejada, Efren Alcantara at Joy Cantos)