^

Probinsiya

Piloto todas plane crash

-
CAMP CRAME – Isang piloto ang iniulat na nasawi habang nakaligtas naman ang isa pang piloto makaraang bumagsak ang isang fighter plane ng Philippine Air Force (PAF) sa gitna ng palaisdaan, kahapon ng umaga sa Barangay. Binakod sa bayan ng Paombong, Bulacan.

Kumpirmadong nasawi si Captain Aniano Amatong, habang nakaligtas naman sa tiyak na kamatayan si Captain James Acosta, ayon kay PAF Spokesman Lt. Col. Restituto Padilla.

Sinabi ni Padilla na nagbuwis ng buhay si Amatong, kaya ‘di ito nakapag-eject mula sa bumagsak na OV-10 bomber plane matapos na iwasan ang mga kabahayan sa nasabing barangay para ‘di na madamay pa ang mga sibilyan sa insidente kaya pinabagsak na lamang sa palaisdaan.

Base sa ulat, ang OV-10 ay umalis sa Danilo Atienza Airfield sa Sangley Point, Cavite dakong alas-8:46 ng umaga at patungo sana sa Clark Field, Pampanga para sa military exercises nang biglang bumulusok hanggang sa bumagsak sa isang palaisdaan ganap na alas-9 ng umaga.

Nabatid na ang OV-10 ay nagsisilbing pangunahing fighter plane ng PAF na ginagamit sa pagbabagsak ng bomba sa mga rebeldeng grupo sa Mindanao matapos igarahe ang kanilang sampung lumang F-5 fighter jets noong Oktubre 2005. (Butch Quejada, Efren Alcantara at Joy Cantos)

vuukle comment

BUTCH QUEJADA

CAPTAIN ANIANO AMATONG

CAPTAIN JAMES ACOSTA

CLARK FIELD

DANILO ATIENZA AIRFIELD

EFREN ALCANTARA

JOY CANTOS

PHILIPPINE AIR FORCE

RESTITUTO PADILLA

SANGLEY POINT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with