Tinedyer nirape slay ng adik
January 24, 2006 | 12:00am
LUCENA CITY Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng isang 16-anyos na dalaga makaraang gahasain at patayin ng hindi pa nakikilalang lalaki na pinaniniwalaang adik sa droga sa bahagi ng Purok Orokan, Barangay Cotta ng bayang nabanggit, kamakalawa ng gabi.
Ang biktimang may palatandaang hinalay saka pinatay sa sakal ay nakilalang si Analyn Samonte ng Lucban Street sa Barangay Market View, Lucena City.
Batay sa imbestigasyon ng pulisya, huling namataang buhay ang biktima bandang alas-4:00 ng hapon kamakalawa nang magpaalam ito sa kanyang mga magulang na hahanapin lamang ang kanyang nakatatandang kapatid na si Anna Marie, 17, na tatlong araw ng naglayas sa kanilang bahay.
Napag-alamang bago paslangin ang biktima ay nakatanggap ito ng impormasyon na ang kanyang utol ay pansamantalang nanunuluyan sa isang boarding house sa Barangay Orokan, kaya agad niyang pinuntahan.
Subalit alas-10 na ng gabi ay hindi pa umuuwi ang biktima kung kaya nag-alala na ang kanyang mga magulang at nang tunguhin nila ang sinasabing boarding house ay natagpuan ang biktima na walang buhay na nakahiga sa katre.
Sa pagsisiyasat ng mga tauhan ng Scene of the Crime Office (SOCO) na ang biktima ay pinatay sa sakal at may palatandaang ginahasa rin ito dahil sa nakitang mga laceration sa kanyang maselang bahagi ng katawan
Patuloy pang iniimbestigahan ng pulisya ang krimen habang hindi pa rin lumulutang ang naglayas na kapatid ng biktima. (Tony Sandoval)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest