^

Probinsiya

Reporter itinumba

- Ni Jonie Capalaran -
MORONG, Bataan — Isang 40-anyos na reporter ng lokal na pahayagan at dating dzRH Operation Tulong volunteer ang binaril at napatay ng mga armadong mga kalalakihan na pinaniniwalaang miyembro ng Rebolusyunaryong Hukbo ng Bayan kamakalawa ng hapon sa bahagi ng Sitio Panibatuan Barangay Poblacion, Morong, Bataan.

Dalawang bala ng baril sa batok ang tumapos sa buhay ng biktimang si Garciano "Gary" Aquino, 40, may-asawa, manunulat sa pahayang Central Luzon Forum at naninirahan sa Barangay Binaritan sa bayan ng Morong, Bataan.

Sa ulat na isinumite kay P/Supt. Arnold Gunacao, deputy provincial director, inupakan ang biktima bandang alas-4:20 ng hapon habang naglalakad kasama ang ilang kaibigan mula sa sabungan.

Napag-alamang dinikitan ng mga armadong kalalakihan ang biktima bago pinuntirya sa batok.

Agad namang nagpulasan ang mga kasamahan ng biktima maging ang mga kasalubong na tao ay nagkanya-kanyang takbuhan papalayo sa crime scene.

Napag-alamang si Aquino ay ikaapat na mamamahayag sa Bataan ang itinumba ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan.

AQUINO

ARNOLD GUNACAO

BARANGAY BINARITAN

BAYAN

CENTRAL LUZON FORUM

DALAWANG

NAPAG

OPERATION TULONG

REBOLUSYUNARYONG HUKBO

SITIO PANIBATUAN BARANGAY POBLACION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with