Vendor patay, utol kritikal
January 22, 2006 | 12:00am
CAVITE Isang vendor ang napaslang habang kritikal ang kapatid nito matapos na sumalpok sa isang puno ng kakawate ang kanilang sinasakyang motorsiklo matapos na barilin ang mga ito ng mga humahabol na holdaper sa kahabaan ng Barangay Tanauan, Tanza, Cavite kamakalawa ng hapon.
Sa ulat ni Chief Insp. Audie Madrideo, kinilala ang nasawi na si Dindo Tan, 28 anyos, habang kritikal naman ang kuya nitong si Dave, kapwa residente ng 1069 Valdes St. Sampaloc, Manila.
Mabilis namang tumakas ang dalawang hindi nakilalang mga suspek sakay ng isang motorsiklo na walang plaka tangay ang malaking halaga ng hinoldap ng mga ito sa magkapatid.
Batay sa imbestigasyon ni SPO1 Apolinar Gonzales, may hawak ng kaso, dakong ala-1 ng hapon ng maganap ang insidente habang binabagtas ng mga biktima ang kahabaan ng nasabing lugar sakay ng isang Kawasaki Motorcycle na may plate no. TC-1146 na minamaneho ni Dave.
Bigla na lamang umano silang dinikitan ng isang motorsiklo sakay ng dalawang suspek at sinenyasang ihinto ang kanilang sasakyan ngunit hindi ito pinansin ng mga biktima sa halip ay binilisan pa ng mga ito ang patakbo upang umiwas.
Dito na pinaputukan ng isa sa mga suspek ang mga biktima at tinamaan si Dave sa kaliwang hita dahilan upang mawalan ito ng kontrol at sumadsad sa damuhan at tumbukin ang malaking puno ng kakawate.
Humataw ang ulo at katawan ng mga biktima sa puno dahilan upang bawian ng buhay si Dindo habang malubhang nasugatan ang kuya nito. Dito na agad na nilapitan ng mga suspek at tinangay ang perang cash ng dalawa na nagkakahalaga ng P175,000.00
Posible umanong alam ng mga suspek na may dala-dalang malaking halaga ang magkapatid kaya sila sinundan at tinambangan. (Cristina Go Timbang at Lolit Yamsuan)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended