Batay sa ulat na nakarating sa Kampo Simeon Ola, naganap insidente dakong alas-5 at tinatayang aabot sa 20 mga rebelde na pawang armado ng matataas na kalibre ng baril ang sumalakay sa naturang relay station.
Nabatid na dinisarmahan ng mga rebelde ang security guard ng relay station na kinilalang si Emilio Ruaya at agad na pinasabog ng mga ito ang compound.
Napag-alaman pa na hindi nagawang mabuksan ng mga rebelde ang kuwarto na kinalalagyan ng mga mahahalagang gamit ng relay station dahil ang mga ito ay nagmadaling tumakas papalayo sa lugar patungo sa bulubundukin na bahagi ng naturang barangay.
Batay sa nakalap na impormasyon, humihingi ng revolutionary tax ang mga rebelde sa Globe Telecommunications na hindi umano naibigay kung kayat nilusob ng mga ito ang relay station ng naturang kompanya subalit hindi naman ito tuluyan na nasira. (Ed Casulla)