^

Probinsiya

Relay station ng Globe binomba

-
KAMPO SIMEON OLA , Legazpi City – Nilusob at pinasabugan ng mga miyembro ng rebeldeng New People’s Army ( NPA ) ang relay station ng Globe, kahapon ng madaling-araw sa Barangay Bacacay, Mobo, Masbate.

Batay sa ulat na nakarating sa Kampo Simeon Ola, naganap insidente dakong alas-5 at tinatayang aabot sa 20 mga rebelde na pawang armado ng matataas na kalibre ng baril ang sumalakay sa naturang relay station.

Nabatid na dinisarmahan ng mga rebelde ang security guard ng relay station na kinilalang si Emilio Ruaya at agad na pinasabog ng mga ito ang compound.

Napag-alaman pa na hindi nagawang mabuksan ng mga rebelde ang kuwarto na kinalalagyan ng mga mahahalagang gamit ng relay station dahil ang mga ito ay nagmadaling tumakas papalayo sa lugar patungo sa bulubundukin na bahagi ng naturang barangay.

Batay sa nakalap na impormasyon, humihingi ng revolutionary tax ang mga rebelde sa Globe Telecommunications na hindi umano naibigay kung kaya’t nilusob ng mga ito ang relay station ng naturang kompanya subali’t hindi naman ito tuluyan na nasira. (Ed Casulla)

BARANGAY BACACAY

BATAY

ED CASULLA

EMILIO RUAYA

GLOBE TELECOMMUNICATIONS

KAMPO SIMEON OLA

LEGAZPI CITY

MASBATE

NEW PEOPLE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with