P.7-M natangay sa bank robbery
January 19, 2006 | 12:00am
CAMP CRAME Umaabot sa P.7-milyon ang natangay ng mga armadong kalalakihan makaraang holdapin ang isang bangko sa bayan ng Jimenez, Misamis Occidental kamakalawa.
Sa ulat ng Police Regional Office (PRO) 10, ganap na alas-9:30 ng umaga nang pasukin ng limang armadong holdaper ang Rural Bank of Jimenez, Inc. sa bahagi ng Barangay Adorable sa bayang nabanggit.
Napag-alamang nagawang pasukin ng mga holdaper ang nasabing bangko matapos na magpanggap na kliyente.
Pagpasok sa loob ng bangko ay agad dinisarmahan ang guwardiya saka nagdeklara ng holdap ang mga suspek at inutusan ang mga teller na ilagay sa bag ang mga pera na nakadeposito sa bangko.
Tumagal lamang ng ilang minuto ang insidente bago tuluyang nagsitakas ang mga suspek lulan ng apat na motorsiklo patungo sa hindi nabatid na destinasyon.
Kabilang sa natangay ng mga holdaper ay P400,000.00 halaga ng tseke at P300,000 cash.
Sa isinagawang follow-up operations ay nasakote naman ng mga elemento ng pulisya ang isa sa mga holdaper na nakilalang si Harvey Cortinglo ng bayan ng Tudela, Misamis Occidental at narekober naman ang apat na motorsiklo na ginamit sa panghoholdap.
Patuloy ang isinasagawang hot pursuit operations ng mga elemento ng pulisya laban sa mga nakatakas na suspek. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest