Sa ulat na nakarating sa Provincial Police Headquarters, bandang alas-6:30 ng umaga, nagkaroon ng electrical short-circuit sa loob ng machine room kung saan nagsimula ang apoy na nagtagal lang ng sampung minuto.
Samantala, wala namang naiulat na nasaktan sa nasabing insidente.
Ayon sa source ng PSN, itinago ng Presidential Security Guard (PSG) officials ang impormasyon sa mga mamamahayag dahil na rin sa isang direktiba mula sa Malacañang.
Ayon sa isang police official na ayaw magpakilala, hindi malaman ng mga imbestigador ng Bauan Fire Department ang halaga ng ari-ariang natupok ng apoy dahil na rin sa pagbabawal ng PSG na makapasok ang mga ito sa nasunog na yate matapos ang insidente. (Arnell Ozaeta)