Presidential yacht nasunog sa Batangas
January 17, 2006 | 12:00am
BAUAN, Batangas Nilamon ng apoy ang presidential yacht BRP "Ang Pangulo" noong Sabado ng umaga habang sumasailalim sa maintenance repair sa Keppel Dry Dock na matatagpuan sa Barangay San Miguel sa bayang nabanggit.
Sa ulat na nakarating sa Provincial Police Headquarters, bandang alas-6:30 ng umaga, nagkaroon ng electrical short-circuit sa loob ng machine room kung saan nagsimula ang apoy na nagtagal lang ng sampung minuto.
Samantala, wala namang naiulat na nasaktan sa nasabing insidente.
Ayon sa source ng PSN, itinago ng Presidential Security Guard (PSG) officials ang impormasyon sa mga mamamahayag dahil na rin sa isang direktiba mula sa Malacañang.
Ayon sa isang police official na ayaw magpakilala, hindi malaman ng mga imbestigador ng Bauan Fire Department ang halaga ng ari-ariang natupok ng apoy dahil na rin sa pagbabawal ng PSG na makapasok ang mga ito sa nasunog na yate matapos ang insidente. (Arnell Ozaeta)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended