Trak ng mayor sinunog
January 16, 2006 | 12:00am
CAMP CRAME Sinunog ng mga armadong kalalakihan na nagpakilalang rebeldeng New Peoples Army (NPA) ang trak na pag-aari ng isang alkalde sa bayan ng Lupon sa naganap na karahasan sa Davao Oriental, ayon sa ulat kahapon.
Base sa ulat, ganap na alas-6 ng gabi nang harangin ng mga armadong rebelde na pinamumunuan ng isang Edgar Leones, alyas Commander Marco ang isang unit ng Sadam truck na pag-aari ni Mayor Anfran Quiños ng bayan ng Lupon.
Napag-alamang inutusan ang drayber na ibaba ang mga kargamento saka pinagbabaril ng mga rebelde ang fuel tank ng nasabing truck hanggang sa sumiklab at tuluyang masunog ang behikulo na nagkakahalaga ng P 2 milyon.
Matapos ang insidente ay mabilis na nagsitakas ang mga rebelde patungo sa hindi pa malamang destinasyon. May posibilidad na may kaugnayan sa revolutionary tax ang naganap na panununog sa trak ng alkalde. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
2 hours ago
Recommended