^

Probinsiya

Pagpaslang kay Asperin nagkulay pulitika

-
CAMP CRAME – Anggulong pulitika ang isa sa mga anggulong mabigat na tinututukan ng Philippine National Police (PNP) kaugnay ng kasong pagpatay kay Comelec officer 3 Felimon Asperin Jr., kamakailan sa lalawigan ng La Union.

Ito ang inihayag ni PNP Chief Director Gen. Arturo Lomibao makaraang bisitahin ang bayan ng Bauang, La Union, kahapon upang personal na makita ang sitwasyon at pamilya ni Asperin.

Gayunman, inamin ng opisyal na hindi pa rin natitiyak ang motibo ng pagpatay sa naturang election officer ng Comelec, kung saan sinabi nito na isa ang anggulong pulitika sa naturang pagpaslang.

Hindi aniya malayong may kaugnayan sa kanyang trabaho ang naging mitsa ng pagkamatay nito na isa sa mga sinisiyasat na sa kasalukuyan ng mga awtoridad sa pangunguna ni Region 1 director Chief Supt. Alfred de Vera.

Samantala, sinabi rin ni Lomibao na magiging bukas ang PNP sa iba pang anggulo upang agad na maresolba ang kaso.

Kasabay nito, sinasabing inatasan na ni Lomibao ang mga tauhan ng Intelligence at Investigation office ng PNP sa pangunguna ni C/Supt. Pete Tango na tutukan ang kaso.

Patuloy din ang ginagawang pagbusisi ng Task Force na inatasang mag-imbestiga sa kasong ito na kinabibilangan ng mga tauhan mula sa Criminal Investigation and Detection Group, Crime Laboratory at La Union PNP.

Ipinarating din ni Lomibao sa pamilya Asperin ang anya’y pakikiramay dito ni Pangulong Gloria Arroyo at Interior Secretary Angelo Reyes. (Cesar Cezar/Angie dela Cruz)

vuukle comment

ARTURO LOMIBAO

ASPERIN

CESAR CEZAR

CHIEF DIRECTOR GEN

CHIEF SUPT

COMELEC

CRIME LABORATORY

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

LA UNION

LOMIBAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with