1 patay, 4 kritikal sa road mishap
January 15, 2006 | 12:00am
IBA, Zambalez Isa katao ang nasawi habang apat pa ang nasa kritikal na kondisyon makaraang magsalpukan ang isang tricycle at truck, sa Barangay Bangantalinga, kamakalawa ng madaling-araw.
Kinilala ni P/C Inspector Remigio Magno ang nasawi na si Gregorio Castañeda Jr., 22-anyos, ng Purok III, Brgy. Bangantalinga, habang ang kasalukuyan namang inoobserbahan sa ibat ibang pagamutan ng probinsiya ang iba pang mga biktima na sina Bernie Padrig, 22; Ryan Laguatan, 18; Edwin Alarma, 24; at Julius Mirador, 21, pawang residente ng Purok II ng nabanggit na barangay.
Batay sa inisyal na imbestigasyon ni SPO2 Pablo Castillo, may hawak ng kaso, panatag umanong tumatakbo ang Isuzu Elf na may plakang WRB-410 na minamaneho ni Virgilio Layno, 29, tubong Bunlag, Calasiao, Pangasinan, nang masalubong nito ang tricycle na Suzuki na may plakang #RI-1166 na minamaneho ni Bernie Padrig, malapit sa tulay ng Bangantalinga.
Naaninag umano ni Layno ang mabilis ngunit pa ekis-ekis na takbo ng kasalubong na tricycle, kaya binagalan niya ang takbo ng kanilang sasakyan.
Napag-alaman pa na lasing umano ang mga lulan ng tricycle nang maganap ang aksidente.
Kasalukuyan namang nakadetine si Layno at ang kanyang pahinante sa Iba Police Office, habang inihahanda naman ang kasong isasampa laban dito. (Fred Lovino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended