8 Intsik arestado sa smuggling
January 13, 2006 | 12:00am
CAMP CRAME Walong Chinese nationals ang nasakote ng mga awtoridad matapos masamsam sa mga ito ang $3 milyong halaga ng smuggled na sigarilyo sa isinagawang raid sa dalawang bodega sa Curimao Point, Ilocos Norte kamakalawa.
Kinilala ang mga nasakoteng dayuhang suspect na sina Benson Tung alyas Benson Tang; Alex Tang , Kau Yo In, Xi Li Wen, Stanley Tan, Wu Wei Kang, Wang Xiu Nun at Shi Jun Wei.
Sa report, bandang alas-6:45 ng umaga nang salakayin ng pinagsanib na elemento ng PNP-Special Action Forces (PNP-SAF) at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang dalawang bodega na pag-aari ng Aurum Pacific sa Curimao Point.
Ang raid ay isinagawa sa bisa ng search warrant na inisyu ni Judge Antonio Eugenio ng Regional Trial Court (RTC) Branch 10 ng lungsod ng Maynila na nagresulta sa pagkakasamsam ng bultu-bulto ng mga smuggled na sigarilyo na tinatayang umaabot sa $3-M halaga. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest