Bata dinedo ng baliw
January 12, 2006 | 12:00am
CAVITE Pinagsasaksak hanggang sa mapaslang ang isang 6-anyos na lalaki ng kanyang kasambahay na pinaniniwalaang baliw habang ang biktima ay natutulog sa kanilang bahay sa Barangay Sampalok 4 sa bayan ng Dasmariñas, Cavite kamakalawa ng gabi. Tadtad ng sugat sa ibat ibang bahagi ng katawan ang nasawing si Jerico Veva 6 ng Block 107 Lot 21 Bahay Pangarap sa nabanggit na bayan. Arestado naman ang suspek na si Eñigo Jose Enriquez, 24. Ayon kay SPO3 Carlito Gener, naitala ang insidente ganap na alas-11:30 ng gabi sa loob ng bahay ng pamilya Enriquez matapos na magising ang suspek na katabi ang biktima at isagawa ang krimen. (Cristina Timbang)
NUEVA ECIJA Pinagtulungang gulpihin hanggang sa mapatay ang isang 49-anyos na negosyante ng dalawa nitong tauhan sa loob ng bodega ng palay sa Barangay St. Joseph sa bayan ng Sta. Rosa, Nueva Ecija noong Lunes ng gabi. Kinilala ng pulisya ang biktimang natagpuan sa loob ng bodega na si Guillermo Sansait y Adriano. Tugis naman ng pulisya ang mga suspek na sina Dario Alcotin, tubong Malay-Balay, Bukidnon, at si Ruel Gante, tubong Kabangkalan, Negros, kapwa stay-in helper ng biktima. Huling namataan ang biktima na nanonood ng telebisyon sa sala ng kanyang bahay, habang ang dalawang suspek ay nakatayo sa labas ng bakuran. May teorya ang pulisya na hinintay munang makaalis ang asawa ng biktima saka isinagawa ang krimen. (Christian Ryan Sta. Ana)
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City Isang 7-anyos na totoy ang iniulat na nasawi makaraang mabundol ng van habang tumatawid sa lansangan mula sa eskuwelahan sa Purok 5, Barangay San Jose sa bayan ng Malilipot, Albay kamakalawa. Hindi na umabot ng buhay sa Cope General Hospital sa Tabaco City ang biktimang si Gerome Bardon, isang grade 1 pupil at residente ng naturang barangay. Sumuko naman sa himpilan ng pulisya ang drayber ng van (WTH-428) na si Manuel Achacon, 36, ng Barangay 37 Bitano, Legazpi City. Napag-alamang papauwi na sana ang biktima mula sa eskuwelahan nang masalpok ng van. (Ed Casulla)
QUEZON Kalaboso ang binagsakan ng apat na kalalakihan na pinaniniwalaang magnanakaw ng motorsiklo at cell phone sa isinagawang sunud-sunod na operasyon ng pulisya sa hangganan ng Tayabas at Lucban, Quezon kahapon. Kabilang sa dinakip na suspek ay nakilalang sina Paquito Borja, 37, ng Purok Damayan sa Barangay Ibabang Iyam; Cornelio Letardo, 19, Jonathan Galit, 22; at utol nitong si Jeffrey Galit, 21, na pawang naninirahan sa Purok Mamatid sa bayan ng Cabuyao, Laguna. Ayon kay P/Senior Supt. Rueben Theodore Sindac, hepe ng pulisya sa Lucena City, ang mga suspek ay positibong itinuro ng kanilang mga biktima. (Tony Sandoval)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest