Dahil dito ay humingi ng tulong sa Department of Health at tanggapan ng gobernador ang mga manggagawa na gawan ng kaukulang aksyon ang mabahong amoy sa loob ng 70 ektaryang farm sa Barangay Magmarale sa bayan ng San Miguel na pinaniniwalaang may 200 alagang baboy ang namatay
Base sa ulat, nagsimulang mamatay ang mga baboy noong ikalawang Linggo ng Disyembre 2005 simula nang hindi pakainin ng 287 manggagawa ng FAC at ibinaon na lamang sa loob ng nabanggit na compound na pinaniniwalaang pag-aari ni Camarines Norte Gov. Jesus Typoco Jr.
May posibilidad na hindi pinasuweldo ang mga manggagawa ng FAC simula noong Nobyembre 2005 partikular na ang hindi pagreremit ng kanilang contribusyon sa SSS at Pag-Ibig.
May teorya rin ang mga manggagawa ng FAC na posibleng nasuhulan din ng pamilya Typoco ang mga opisyal ng Samahang Manggagawa ng Federal Agricultural Corp., All Workers Alliance Trade Union (SMFACAWATU) para ipagkanulo ang mga umaasang obrero.
Hiniling naman ng mga manggagawa ng FAC na makipag-usap sa kanila ang pamilya Typoco para malaman ang dahilan ng hindi pagpapasuweldo sa kanila. (Doris Franche)