^

Probinsiya

Epidemya sa Bulacan nakaamba

-
BULACAN – May posibilidad na kumalat ang epidemya sa bayan ng San Miguel, Bulacan makaraang makaramdam ng pananakit ng tiyan at paninikip ng dibdib ang mga naninirahan sa loob ng compound ng Federal Agricultural Corp. dahil sa masangsang na amoy na dulot ng mga patay na baboy.

Dahil dito ay humingi ng tulong sa Department of Health at tanggapan ng gobernador ang mga manggagawa na gawan ng kaukulang aksyon ang mabahong amoy sa loob ng 70 ektaryang farm sa Barangay Magmarale sa bayan ng San Miguel na pinaniniwalaang may 200 alagang baboy ang namatay

Base sa ulat, nagsimulang mamatay ang mga baboy noong ikalawang Linggo ng Disyembre 2005 simula nang hindi pakainin ng 287 manggagawa ng FAC at ibinaon na lamang sa loob ng nabanggit na compound na pinaniniwalaang pag-aari ni Camarines Norte Gov. Jesus Typoco Jr.

May posibilidad na hindi pinasuweldo ang mga manggagawa ng FAC simula noong Nobyembre 2005 partikular na ang hindi pagreremit ng kanilang contribusyon sa SSS at Pag-Ibig.

May teorya rin ang mga manggagawa ng FAC na posibleng nasuhulan din ng pamilya Typoco ang mga opisyal ng Samahang Manggagawa ng Federal Agricultural Corp., All Workers Alliance Trade Union (SMFACAWATU) para ipagkanulo ang mga umaasang obrero.

Hiniling naman ng mga manggagawa ng FAC na makipag-usap sa kanila ang pamilya Typoco para malaman ang dahilan ng hindi pagpapasuweldo sa kanila. (Doris Franche)

vuukle comment

ALL WORKERS ALLIANCE TRADE UNION

BARANGAY MAGMARALE

CAMARINES NORTE GOV

DEPARTMENT OF HEALTH

DORIS FRANCHE

FEDERAL AGRICULTURAL CORP

JESUS TYPOCO JR.

SAMAHANG MANGGAGAWA

SAN MIGUEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with