^

Probinsiya

Anak ng vice mayor dinukot

-
CAMP VICENTE LIM, Laguna – Naalarma ang buong angkan ng isang bise alkalde ng Cavite makaraang harangin at dukutin ang kanyang 39-anyos na anak na lalaki ng mga hindi nakilalang lalaki sa bahagi ng Barangay Maitim sa bayan ng Amadeo, Cavite noong Martes ng umaga.

Ayon sa ulat na nakarating sa tanggapan ni Calabarzon police director Chief Supt. Jesus Verzosa, tumawag si Amadeo Vice Mayor Elpidio Bawalan kay P/Inspector Pedro Cruzada, police chief ng naturang bayan upang ipagbigay-alam ang pagdukot sa kanyang anak na si Marlon, 39.

Napag-alamang bandang alas-6:30 ng umaga nang harangin ang sinasakyang Toyota Hi-Ace (XGD-447) ni Marlon ng isang berdeng sasakyan na may plate number UNG-584 matapos maghatid ito ng anak sa Caburloto School sa nabanggit na bayan.

Kaagad umanong isinama ng mga suspek ang biktima pati na ang sasakyan nito patungo sa hindi malamang direksiyon.

Nabatid naman sa mga awtoridad na ang naturang sasakyan ay nakarehistro sa ISAFP at ayon sa ulat mula sa Cavite Provincial Police Office ay inimbitahan lamang si Bawalan ng mga tauhan ng National Anti Kidnapping Task Force (NAKTAF) at Department of Interior and Local Government (DILG) agents dahil sa pagkakasangkot umano nito sa ilegal na negosyo ng electronic chips. (Arnell Ozaeta)

AMADEO VICE MAYOR ELPIDIO BAWALAN

ARNELL OZAETA

BARANGAY MAITIM

CABURLOTO SCHOOL

CAVITE

CAVITE PROVINCIAL POLICE OFFICE

CHIEF SUPT

INSPECTOR PEDRO CRUZADA

JESUS VERZOSA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with