Lover ng anak, dinedo ng ama

CAVITE – Sinaksak at napatay ang isang 20-anyos na lalaki ng ama ng ka-live-in nito matapos na tangkaing patayin ng una ang babae sa loob ng kanilang bahay sa mainitang pagtatalo sa Barangay Bautista sa bayan ng Dasmariñas, Cavite kamakalawa ng gabi.

Napuruhan sa dibdib ang biktimang si Aldrin Guevarra ng Block 19 Lot 10 sa Zone 10 Bautista property ng bayang nabanggit. Agad namang nadakip ang suspek na si Ramon Calabin.

Sa imbestigasyon ni PO2 Antonio Guttierez, naitala ang krimen ganap na alas-11:15 ng gabi matapos na umawat ang suspek sa away ng magka-live-in kung saan tinangka ng biktima na saksakin ang babae. Napag-alamang napilitang ipagtanggol ng suspek ang kanyang anak kaya napatay nito ang biktima. (Cristina Timbang)

Show comments