Pamilya, 3 minasaker
January 10, 2006 | 12:00am
CAMP CRAME Malagim na kamatayan ang sinapit ng mag-asawang Tsinoy trader at anak na babae makaraang pagtatagain ng mga hindi kilalang kalalakihang nanloob sa bahay ng mga biktima sa Barangay M.H. del Pilar, Molo sa Iloilo City kahapon ng madaling-araw.
Animoy kinarne ang katawan ng mga biktimang sina Bobby Tan, asawa nitong si Cindy at bunsong anak na si Cathy, 5-taong gulang.
Batay sa ulat na nakarating sa PNP Headquarters, naganap ang karumal-dumal na krimen sa bahay ng pamilya Tan sa nabanggit na barangay sa pagitan ng alauna hanggang alas-2 ng madaling-araw.
Ayon sa mga imbestigador ng pulisya, ang krimen ay nadiskubre matapos na umuwi ang dalawang anak ng mag-asawang Tan na sina Archie at John na pinaniniwalaang gumimik ng maganap ang insidente.
Agad namang ipinagbigay-alam sa himpilan ng pulisya nina Archie at John ang insidente hanggang sa tumugon ang mga awtoridad.
Ayon pa sa ulat, nagkalat ang mga gamit sa loob ng bahay ng pamilya Tan habang nakahandusay naman ang duguang bangkay ni Bobby sa labas ng kanilang masters bedroom habang ang ginang at ang batang babae ay nasa loob naman ng kanilang kuwarto.
Base sa testimonya ng security guard ng pamilya Tan, sinabi nito na lahat ng pinto patungo sa nasabing bahay ay pawang sarado at wala siyang napansin na sinumang pumasok at lumabas mula rito.
Ang mag-asawang Tsinoy ay kilalang supplier ng agricultural products at nabibilang sa marangyang pamilyang angkan ng mga negosyanteng Tsinoy sa nabanggit na lungsod.
Kasalukuyang nangangalap ng impormasyon ang pulisya para matukoy ang pangunahing responsable sa kirmen. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended