^

Probinsiya

Binata lasog sa tren

-
KAMPO SIMEON OLA, Legazpi City Isang 34-anyos na binata ang iniulat na nasawi makaraang mahagip ng tren sa Purok 2, Barangay Minta sa bayan ng Guinobatan, Albay kahapon. Lasog ang katawan ng biktimang si Tiburcio Panganiban ng nabanggit na barangay. Naitala ang insidente dakong alas-8:30 ng umaga matapos na nakipagkarera ang biktima sa rumaragasang tren patungong Legazpi City mula sa Metro Manila. Inaalam ng pulisya kung senglot sa alak ang biktima kaya nagawang makipagkarera sa tren. (Ed Casulla)
Tinedyer pinatay sa gulpi
CAVITE
Pinagtulungang gulpihin at pagsasaksakin hanggang sa mapatay ang isang tinedyer na lalaki, habang kritikal naman ang pinsan ng una sa naganap na karahasan sa bahagi ng Barangay Molino 4, Bacoor, Cavite kamakalawa. Napuruhan sa katawan ang nasawing biktima na si Allan Hernandez ng Block 14 Lot 17 Meadow Park Subdivision, samantala ginagamot naman sa Metro South Medical Center ang pinsan nitong si Mark Hernandez. Ayon kay PO2 Joel Malinao, dalawa sa mga suspek ang naaresto ng pulisya na nakilalang sina Ryan De Jesus at Rex Paul Poncaohan, samantalang tugis ang iba pang suspek na sina Vicente Cortezano, Michael Cortezano, Mc Mc Cortezano, Jerry Gracia, Joseph Palma at Allan De Guzman. (Cristina Timbang)
3 grabe sa salpukan ng motorsiklo
BULACAN –
Tatlo-katao kabilang na ang mag-ina ang kasalukuyang nasa kritikal na kalagayan makaraang magsalpukan ang dalawang motorsiklo sa kahabaan ng highway na sakop ng Barangay Pacale sa bayan ng Baliuag, Bulacan kamakalawa ng umaga. Ginagamot ngayon sa Our Lady of Mercy Hospital ang mga biktimang sina Rolando Rivera, 19; Olympia Acuna-Rivera, 47, ina ni Rolando; at Risksy Rombaoa, 41, sundalo ng Phil. Army sa ilalim ng 7th Infantry Battalion. Sa ulat na nakarating sa Camp Alejo Santos sa Malolos City, naitala ang sakuna dakong alas-10 ng umaga matapos na magkasalubong ang motorsiklo (RF4636) ng mag-inang Rivera at motorsiklo naman ni Rombaoa (YP8595). (Efren Alcantara)

vuukle comment

ALLAN DE GUZMAN

ALLAN HERNANDEZ

BARANGAY MINTA

BARANGAY MOLINO

BARANGAY PACALE

CAMP ALEJO SANTOS

CRISTINA TIMBANG

ED CASULLA

LEGAZPI CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with